Mommy's Diary

WAG MO MASYADONG KARGAHIN, BAKA MASANAY

Halos lahat po tayo ay narinig na ito pag may mga newborn babies tayo o infant kasi daw baka masanay si baby kapag kinarga natin ng kinarga.

Ang human touch ay importante at crucial sa kanilang development. Madaming benefits ito kabilang na ang brain, emotional, social, cognitive, language development, at pagiging independent nila pag laki nila (ilan lamang ito sa benefits).

Kung umiiyak sila, ito po ay hindi dahil sa “spoiled” sila o minamanipula nila tayo, kung hindi ay paraan po nila ito ng pakikipag-usap sa atin na may kailangan sila. Kung hindi sila gutom, hindi kailangan ng change of diaper, walang kabag o walang masamang nararamdaman, ibig sabihin po nito ay kailangan nila tayo.

Sila po ay bago pa sa mundo natin. Maaring nakakatakot ang mundo natin para sa kanila. At para sa kanila, ang mga braso natin ang safest place para on Earth.

Ibigay natin ang kailangan nila. Ang needs nila for human touch, maramdaman na safe sila at loved sila.

Besides, saglit lang naman sila ganito. Baka bukas, magulat na lang tayo na ayaw na nilang magpakarga sa atin

Leave a Response