Mommy's Diary

Wag ikumpara ang anak mo sa iba

Bakit yung anak niya nakakapag-salita na, yung akin hindi pa? Bakit yung anak ni ano nakaka-gapang na, yung akin hindi pa? Bakit yung anak niya magaling sa Math, yung akin hindi?

Bilang magulang, marami pa rin ang nagkukumpara ng mga anak nila sa iba. Ibig sabihin ba nito, hindi matalino ang mga batang ito? Napag-iwanan na nga ba ang mga batang ganito?

Simple lang ang sagot – hindi. Dahil bawat bata ay may kanya-kanyang talino, hilig at kakayanan. Bawat bata ay unique. Yung iba nag-eexcel sa Literature, yung iba sa arts, sports, problem solving, science, music, at iba pa.

Bawat bata ay espesyal at may panahon para mag-shine.
Ang mahalaga, suportahan natin sila, wag ipressure, at hayaan silang maging bata.

Leave a Response