Lifestyle

Sintomas, dahilan at pano makakaiwas sa Tigdas (measles)

May tigdas (measles) outbreak sa Metro Manila. Ang may pinakamaraming natala na cases ay sa

Parañaque, Taguig, Pasay, Manila, Marikina, Pasig, Caloocan, Malabon at  Navotas.

Ayon sa director ng DOH Disease Prevention and Control Bureau, Dr. Ruby Constantino, higit na 2 milyong batang Filipino ang nasa risk na magkaron ng measles due to lack of immunization,

Sintomas ng tigdas:

  • Lagnat
  • Rashes
  • Koplik’s spots (maliliit na puting spots at may bluish-white centers na makikita sa lining ng pisngi sa loob ng bibig)
  • Dry cough
  • Runny nose
  • Sore throat
  • Inflamed eyes

Paano nakukuha ang tigdas?

  • Nakakahawa ang sakit na ito
  • Airborne ito o maaring makuha sa hangin kapag may nagsalita, umubo o humatching
  • Pwede din dumapo ang infected droplets sa mga gamit o surfaces, at maging active ang virus at manatiling nakakahawa ng ilang oras.

Pano makakaiwas?

  • Umiwas sa matataong lugar
  • Hangga’t maari, ang mga newborn babies ay sa bahay lamang muna.
  • Ugaliing mag hugas ng kamay
  • Gumamit ng alcohol (at least 60% alcohol)
  • Wag hawakan ang mata, ilong o bibig.
  • Takpan ang bibig at ilong kung u-ubo o ha-hatching
    • Gumamit ng tissue sa pag takip, o ang manggas ng damit (wag ang kamay)
  • Avoid close contact. Umiwas muna sa pag beso at at pagyakap ng ibang tao
  • Iwasan din na makipag-share ng kutsara, tinidor, plato, o baso sa mga may sakit.
  • CONSULT YOUR DOCTOR/PEDIA lalo na kung newborn/infant ang Anak niyo

 

Leave a Response