Mommy's Diary

Positive parenting

Ito yung klase ng pagpapalaki ng anak na ineencourage ang mga bata.

Halimbawa:
1. Yung kapag may nagawa silang tama, pupurihin sila at sasabihan sila ng “good job.”

2. Kapag ayaw kumain, imbis na takutin sila na
“Kapag hindi ka kumain, may lalabas na tren sa tiyan mo” o di kaya ay
“Kapag hindi ka kumain, hindi ka maglalaro”.

Mas makakabut po na ang sabihin natin ay
“Kain ka na,para pagkatapos ay maglalaro na tayo ulit”

3. Yung ine-encourage natin sila na matuto at mag explore ng paligid nila. Dahil sila ay pint-sized scientists at gusto nilang mag experiment, mag discover at matuto kung paano gumagana ang mundo nila.
Hayaan lang natin sila maglaro, magdumi, pagpawisan. Hayaan natin silang maging bata dahil sa laro sila mas natututo.

4. Turuan silang gawin ang mga bagay sa sarili nila. Kabilang na po dito ang mga gawaing bahay tulad ng kung paano mag walis, mag ligpit ng toys, mag pulot ng kalat, mag hugas ng mga plato. Para matuto sila ng sense of responsibility.

5. Pag nadapa ang mga bata, wag po tayo mag overreact. Instead, haayan po natin silang tumayo sa sarili nila.

Lahat ng mga ito ay maaapply nila sa tunay na buhay at madadala nila hanggang pag tanda nila.
Kung sila ay bibo ngayon, sila ay lalaki silang independent at strong-willed.

Nakakatuwa pa lalo na ganito din pala ang ginagawa at pinaniniwalaan ng Lactum Bibo Panalo moms na sila LJ Reyes, Nadine Samonte, Mommy Elcid (Mommy of Ranz Kyle, Niana and Natalia Guerrero), and experts like Dr. Tess Hilario-Jimenez and Teacher Maricar nung magkaroon kami ng parenting discussion last Sunday.

Agree po ba kayo sa POSITIVE PARENTING style?

#BIBOPanaloMOMents

Leave a Response