Mommy's Diary

PASASALAMAT SA MISIS KO NGAYONG 12.12 – Daddy Diaries

Kita ko lahat ng sakripisyo ng asawa ko para sa pamilya namin.

Kaya sabi ko sa misis ko, bumili siya ng gusto niya ngayong 12.12 bilang reward niya (alam ko maliit lang ito kumpara sa lahat ng sakripisyo niya).

Pero sabi niya, wala daw siyang gustong bilhin. Kaya sabi ko sa kanya, ako muna bahala sa gawaing bahay at sa anak namin, magpahinga na lang siya at matulog hehe. Ayun, sobrang saya niya kanina at naghihilik na siya ngayon hehe.

Mga mister, ipakita po natin kay misis na naaappreciate natin siya, na alam natin lahat ng effort niya para sa pamilya.

Iba ang pagod at puyat ng isang ina. Simula pagbubuntis, pangnganganak, pagpapa-breastfeed, pagaasikaso, pagaalaga, pagtuturo sa anak, gawaing bahay at iba pa.

Kahit maliit na gesture lang (gawan natin sila ng breakfast, tulungan maglaba, bilhan ng tsinelas, bigyan ng extra 1 hour para matulog, etc.) sobrang maaappreciate nila ito

Leave a Response