Para sayo na inuuna ang kapakanan ng pamilya.
Para sayo na iniintindi ang pangangailangan nila..
Para sayo na walang sawang nag-aalaga at nag-aaruga sa pamilya.
Para sayo na walang kapantay ang pagmamahal sa kanila.
 
Ikaw na makita lang silang masaya, busog ka na.
Ikaw na makita lang silang nakangiti, maligaya ka na.
Ikaw na sila muna bago ang sarili.
Ikaw na hinuhuli ang sarili at palaging inuuna sila.
 
Kailangan mo din magpahinga.
Kailangan mong alagaan ang sarili mo.
Kailangan mong bantayan ang kalusugan mo.
Kailangan mong magkaroon ng para sa sarili mo.
 
Mapa-Nanay ka man, Tatay, Lola, Lolo, Tita, Tito, o kahit na sino ka pa man na tumatayong magulang,
Wag mo kalimutan na mag-relax pa minsan minsan, i-libre mo sarili mo.
Reward yourself.
 
Treat yourself good.
Alagaan mo ang iyong sarili.
Kailangan mong maging healthy para mas maalagaan mo sila.
Kailangan mong mahalin sarili mo para mas marami ka pang maibigay na pagmamahal para sa kanila.
Kailangan mong maging masaya, para mas maging masaya din sila.

Leave a Response