Mommy's Diary

Pangangaral at pag disiplina sa anak

“Sorry, Anak, pero para sayo to” – Daddy
Pinapagsabihan, pinapangaralan, dinidisiplina.

Bilang mga magulang, ito ang ilan sa mga responsibilidad natin sa ating mga anak.

Kailangan nating ituro sa kanila kung ano ang tama sa kung ano ang mali.

Kung may nagawang mali, ipa-intindi sa kanila kung bakit iyon mali.
Kung nakasakit sila ng damdamin ng kapwa bata nila o mas nakakatanda, ipaliwanag kung ano ang nagawa nila.

Discipline with intention. At ang intensyon na ito ay para maitama ang mga mali nila at lumaki silang mabuting tao.

1. Kung pagsasabihan sila, dalhin sila sa isang sulok o isang kwarto. Dahil maaring mawala ang self confidence nila kung sa harap ng ibang tao sila pagagalitan. (Iba ang sitwasyon kung nasa public transportation tayo o iba pang lugar at naka-offend sila ng ibang tao. Will post about this some other time)

2. Pakalmahin ang sitwasyon dahil walang maiintindihan ang bata kung hindi sila kalmado.

3. i-explain kung ano ang mali nila.

4. Tanungin sila kung bakit ganito ang nagawa nila, kung ano ang naramdaman nila.

5. ipaliwanag kung bakit tayo nagalit at maglatag ng solusyon sa problema. Halimbawa, mag sorry sa atin at sa taong naapektuhan, at mangangako ang bata na huwag ng uulitin ang nagawa niya.

6. Kung tayo ay napa-sobra sa pagpapagalit, mag sorry din sa kanila. Tao sila, May pakiramdam at nasasaktan, they, too, deserve our apologies. Parang sa litrato po na ito, kakatapos lang ng iyakan at pag didisiplina ng asawa ko sa anak namin, at ito, nag sosorry siya sa anak namin.

7. Be a parent first. Gusto natin, bestfriend tayo ng ating mga anak, at maganda ang tingin nila sa atin. Pero kailangan maging magulang muna tayo. Ituwid ang mali, dahil kung hindi, hindi nila malalaman ang kamalian nila at madadala nila to hanggang paglaki

Leave a Response