Mommy's Diary

NARINIG AKO NG ANAK KO NA NAG MURA (BAD WORD)

Minsan, tayong mga magulang ay nagugulat o kaya ay nagiging emosyonal at bigla na lang tayo nakakapagsabi ng mura o bad words.

Narinig ng anak ko na nag sabi ako ng bad word at kinabukasan ay narinig ko na sinabi niya yun.

Ano ang dapat gawin kapag narinig natin ang anak natin na nag sabi ng bad word? (Ito pong pieces of advice na ito ay applicable sa kids below 4 years of age)

1. Bantayan ang reaksyon natin.
Wag tatawa. Sa una kasi, maaring cute ito pakinggan mula sa kanila, pero no, huwag po tayong tatawa. Kasi iisipin nila na maganda ang nasabi nilang salita at napatawa at napasaya nila tayo.

2. Huwag silang tingnan, huwag silang bigyan ng eye contact.

3. Best to ignore it. Huwag papansinin ang sinabi nila. Huwag din mag hysterical “Anong sinabi mo?!”

Pag hindi po tayo nag react, makakalimutan din nila ito at hindi na nila sasabihin ulit.

Hindi pa nila naiintindihan ang ibig sabihin ng bad/swear words na ito, ang tumatatak sa utak nila ay ang tono natin o ang paraan ng pagsabi natin. Yung electric emotional charge nito ang nakakapagdulot ng hindi magandang epekto sa kanilang murang pagiisip.

Maaari din na dahil narinig nila sa atin ang bad words nung mga panahon na tayo ay frustrated o emosyonal. At kapag na disappoint, na upset o na-threaten ang ating mga anak, ay masasabi din nila ang bad word na narinig nila sa atin.

Bilang mga magulang, tayo ang kanilang role model. Kung ano ang gawin natin, yun din ang gagawin nila. Kung paano tayo magsalita, ganun din sila. Kaya we have to set out a good example.

These pieces of advice are applicable for parents or guardians of kids 4 years of age and below.

For older kids, and/or repetitive ang pag sabi ng swear words, that is when they need an explanation.

But at the end of the day, still depends on what works for the parents and/or kids.

We cannot ask kids to stop saying swear words if we, parents, do that. It’s confusing for them. No matter how much we tell them to stop saying it, kung naririnig nila sa atin, gagayahin at gagayahin nila tayo.

Kung sa kalaro natutunan, that is what we cannot control. It is up to how we parent them, and how strong the foundation of their characters are. It will all boil down sa kung ano ang nakikita, naririnig at tinuruto natin sa kanila.

Leave a Response