Mommy's Diary

Mommy problems: Tantrums ng anak pag hindi binilhan ng laruan

Mga bagay na kailangan alalahanin ng isang magulang:

1. Wag po sanayin na puro bili ang mga bata. Ke may budget o wala, dapat matutunan ng bata na hindi po niya makukuha lahat ng bagay na gusto niya. Ma-aapply po nila ito sa totoong buhay at madadala nila ang lesson na ito hanggang pag laki nila.

2. Kung umiyak at mag tantrums ang bata dahil hindi sila binilhan ng laruan ay huwag po biglang magbabago ang isip natin. Importante po na maging consistent tayo. Kung sinabi natin na hindi tayo bibili ng laruan, ay panindigan po natin na hindi tayo bibili. Huwag mag papadala sa iyak nila. Dahil sa susunod po na may gusto sila ay idadaan na lang nila sa iyak, kasi alam nila na binibigay natin ang gusto nila once na mag tantrums at umiyak na sila.

3. Pag tumahan na ang bata at kalmado na siya, ipaliwanag po sa kanya kung bakit hindi natin sila binilhan ng laruan.

Isa po ito sa mga bagay na makakapagturo sa mga bata na lumaking hindi entitled, emotionally strong, at kung paano nila iha-handle ang kabiguan ❤️

Leave a Response