Kung Hei Fat Choi! Gong Xi Fa Cai!

Chinese New Year na sa February 5, 2019. Ano ano kaya ang mga pangpa-swerte na pwede nating gawin?

Ang Chinese culture sa Pilipinas ay nire-recognize na very influential, at maraming Pinoy ang ang nakiki-celebrate tuwing Chinese New Year.

Ang Chinese-Filipino brotherhood ay parte na ng buhay natin – sa bansa natin, at sa ating mga Pinoy.

Paalala lamang po na ito ay mga karaniwang tradisyon. Nasa sa atin pa rin nakasalalay kung pano tayo mag susumikap.

  1. Maghanda ng mga bilog na pagkain.
  2. Mag alay ng pagkain at paper money, at magsindi ng insenso (12 noon)

Sa alay, dapat mayroong

– 3 to 5 na uri ng prutas, at dapat may pinya.

– Fish, pork at chicken.

Dapat may ulo at paa ang manok

Dapat may ulo at buntot ang isda

i-blanch ang baboy

 

3. Pag naubos na ang sinindihang insenso, sunugin ang paper money na inalay.

 

4. Bayaran ang mga utang bago mag Chinese New Year. Huwag din magpapa-utang sa araw ng New Year.

5. Wag hugasan ang buhok o linisin ang bahay on Chinese New Year’s day, dahil daw baka ma-wash away ang good luck.

6. Pag sapit ng hating gabi, 12mn ng Chinese New Year,  lahat ng pinto at bintana ay dapat buksan  para pakawalan ang nakalipas na taon.

 

 

 

 

 

Leave a Response