Breastfeeding 101Celebrity

Marian Rivera, usap-usapan sa pag endorse ng isang formula milk brand

Usap-usapan ngayon ang pag tanggap ni Marian Rivera sa isang formula milk brand kahit na siya ay breastfeeding ambassador.

Iba’t-iba ang nagging reaksyon ng mga nanay dito.

Pero, ano nga ba ang KATOTOHANAN sa pag papa-breastfeed sa 2 years old and above?

Ang totoo niyan ay ang breastfeeding ay BEST up to 2 years and BEYOND. Ibig sabihin, hindi lamang hanggang 2 years old, kundi kahit 3, 4, 5 years or older pa ang bata.

Hindi nauubos ang benefits at sustansya ng gatas ng ina. Hindi ito sabi-sabi lang, ito po ay SCIENTIFICALLY PROVEN.

Extended breastfeeding benefits:

-Puno ng nutrients ang gatas ng ina.

-Lesser risk ng certain types of cancers

-Lesser risk ng heart diseases at diabetes.

-Bino-boost ang immune system ng bata kaya iwas sakit, mas maiksi ang duration ng sakit, at mas mababa ang mortality rate.

-Nakakatulong sa mental at social development

Nakaka-boost ito ng brain development. Breastfed babies show to have higher IQ as per Betty Vohr, M.D., professor of pediatrics at Brown University and director of the neo-natal follow-up clinic at Women & Infants Hospital of Rhode Island in Providence.

-Lesser risk ng allergies, ear infections, gastroenteritis, obesity, SIDS, at upper respiratory infections. marami pang iba.

At napakadami ding benefits para sa ina:

-Pinoprotektahan sa osteoporosis

-Lesser risk of ovarian, uterine, endometrial, at breast cancer

-Lesser risk of rheumatoid arthritis, Type 2 diabetes mellitus, cardiovascular disease

Kaya ni-rerecommend at best na magpa-suso hangga’t gusto at kaya ng ina at anak.

 

 

Leave a Response