Mommy's Diary

Life is not a competition | Real meaning of success

Ilang taon ka na? Successful ka na ba?

Ano ba ang definition ng SUCCESSFUL? May magandang bahay, madaming sasakyan, madaming negosyo o mataas ang posisyon sa kumpanya?

Maaring ngayon, hindi pa tayo pasado sa standards ng society sa pagiging successful, pero we’ll get there.

Nakumpara ka na ba? “Si ano, may bahay na”
“Si ganto, mayaman na”
“Si ano, malaki na negosyo”

Life is not a competition.

Trivia: Ang KFC ay sinimulan lang ni Colonel Sanders after his retirement at 65 years of age. He became a multi-billionaire at 88 years of age.

Si Jeff Bezos, founder ng Amazon, nagsimula ng maliit, pero ngayon, siya na ang richest man on Earth.

Wag tayong mawalan ng pagasa. Sipag at tiyaga.
Hindi man ngayon, pero maaring bukas o bukas makalawa ang panahon natin.

TRUST YOUR OWN PACE. WORK ON YOUR OWN PACE. DADATING DIN ORAS MO.

Kung hindi ka man maging multi millionaire, multi – billionaire, o richest man/woman sa mundo, laging mong tatandaan na kung masaya ka, ibig sabihin nun, successful ka.

Hindi din pwede na puro ka trabaho. That’s not LIVING your LIFE. Maiksi lang ang buhay, kung puro ka trabaho at wala kang panahon para mag relax, panahon sa sarili mo, panahon sa pamilya mo, hindi mo mararanasan ang tunay na kahulugan ng BUHAY.

Kung nasayo ang best things in life – the things that money can’t buy, then, YOU ARE LIVING YOUR LIFE.

Madaming mayaman na naliligo na sa pera pero hindi masaya. Dahil at the end of the day, ang magpapasaya sayo, ay yung mga bagay na hindi mabibili ng pera.

Ang tunay na successful? Winning in life.

Doing what you love + being with the people you love + inner peace + living your life equals to HAPPINESS.

HAPPINESS = real meaning of SUCCESS

Leave a Response