Uncategorized

KUNG MAY MGA SAKRIPISYO SI NANAY, GANUN DIN SI TATAY

Si Tatay ang haligi ng tahanan.
Sa kanya kumukuha ng lakas ang buong pamilya.
Naghahanap buhay si Tatay para sa mga pangangailangan ng pamilya.

“Pa, magbabayad po ng tuition bukas”
“Tay, may kailangan pong bayaran sa school”
“Itay, sira na po ang sapatos ko”

Hindi lang pangangailangan natin ang binibigay ni Tatay, may panahon na pati ang gusto natin ay pinipilit niyang mahandog sa atin.

Akala natin madali lang, pero dugo, pawis, luha, puyat at gutom ang inaalay ni Tatay para sa atin.

Yung literal na isusubo na lang niya ay ibibigay pa niya sa atin.

Yung gagawin lahat ng pagtitipid para lang may mabili na simpleng cake sa birthday ng anak niya.

May mga ama din na tinitiis na mapalayo sa pamilya.
Hindi niya nasaksihan ang unang hakbang, unang salita, unang araw sa eskwelahan, unang birthday, graduation ng kanyang mga Anak.

Tinitiis ang lungkot at pangungulila para may maibigay na magandang buhay sa kanyang pamilya.

Sa lahat ng Tatay, solo parents na tunatayong nanay at tatay, nanay na tumatayong tatay, at sa lahat na tumatayong tatay, saludo po kami sa inyo!

Kayo po ang unang hero ng mga anak niyo ❤️

Leave a Response