Mommy's Diary

KIDS ARE NOT ROBOTS

Do we expect our kids to be perfectly behaved? Lalo na sa public?

Yung tipong gusto natin behaved sila kasi kung hindi, pag titinginan tayo ng mga tao at baka isipin nila ang lilikot naman ng mga anak natin at di natin pinapalaki ng maayos.

The truth is, malikot talaga sila, dahil bata sila, at hindi sila robots.

Hindi sila robots na kung ano ang gustuhin natin para sa kanila, ay ma-pprogram natin sa mga utak nila.

They are little humans. Pint sized scientists na gustong mag explore at i-diskubre kung anong meron sa mundo.

Hindi din natin pwedeng kontrolin ang nararamdaman nila.

Kung iiyak sila, yun ay dahil frustrated sila, malungkot sila, o may kailangan sila.

Hindi ibig sabihin nun na hindi siya disiplinadong bata, kaya don’t be embarrassed sa harap ng ibang tao kung mag act up man ang mga anak natin.

Maliliit pa sila at hindi pa nila kayang i-handle ang mga emosyon nila. They are tiny humans with big emotions.

Let them scream, let them cry, let them express their feelings. It is normal. Dahil nga tao sila, at hindi robots, at yun ang dahilan kung bakit masarap maging magulang

Leave a Response