Uncategorized

Kids at gawaing bahay

Lumaki akong walang alam sa gawaing bahay. Nung nag asawa ako, nanibago ako (lalo na nung nagka-anak na ako). Ang hirap pala ng wala kang alam sa buhay.
Ayun habang tumagal eh natuto po ako. Kaya sabi ko, kailangan mapalaki ko ang anak ko ng marunong sa buhay.
Nag simula siyang tumulong sakin sa gawaing bahay nung mga 1 year and a half ata siya.
Talagang tumatagal po ang gawain pag sila ay “tumutulong” hehe. Pero ayos lang yun, basta matuto sila.
✔️natututo sila ng sense of responsibility
✔️matututunan nila ang halaga ng bawat trabaho
✔️matututo silang mag manage ng oras nila
✔️hindi nila kailangan umasa sa iba para sa mga bagay na ikakabuhay nila
✔️lalaki silang may alam sa buhay
Ito po ay kuha nung nag outing kami. Kahit na wala kami sa bahay ay gumagawa siya ng gawaing bahay dahil nasanay na po siya

Leave a Response