Mommy's Diary

Hindi makabili si Nanay ng para sa kanya

Pag Nanay ka at maisipan mong bumili ng bagong tsinelas dahil pasira na, magdadalawang isip ka pa kasi maiisip mo na pang diaper na yun. Ang ending, hindi ka na bibili.

Make up para makapag ayos ayos naman? Mapapa-isip ka ulit na wag na lang kasi pangbili na ng ulam yun. Ang ending, di ka na bibili.

Bagong damit? Hmmm. “Wag na lang. Para kay baby na lang”

Yung hawak mo na, bibitawan mo pa, at ang kukuhanin at bibilhin mo ay para kay baby pa din.

Pag para sa atin, nagdadalawang isip tayo.

Pag para sa sarili natin, parang nakakakonsensyang bumili.
Pero pag para sa pamilya natin, go lang ng go. Pag nanay ka, selfless ka.

Pero mga inay, walang masama kung minsan ay para sa atin naman.
Reward yourself. Love yourself. Take care of yourself. Self love and care are important. You deserve these

Leave a Response