Helpful tips for new moms:

1. Gamitin ang siko o wrist mo para i-test kung sakto na ba ang init ng tubig na pangpaligo ni baby.

2. Laging pa dighayin si baby pagkatapos umimom ng gatas.

3. Learn how to swaddle properly. Mas komportable ang mga babies pag naka-swaddle. Ramdam nila na parang nasa tiyan ulit natin sila kaya kumakalma sila.

4. Pag hindi ma-dumi si baby, gawin ang I Love You massage sa tiyan niya. I-massage din ang back hips, pwet and mga tuhod. Makakatulong din kung iiba ibahin ang posisyon ni baby.

5. Back is best. Patulugin ng nakahiga si baby para maiwasan ang SIDS (Sudden Infant Death Syndrome)

6. Iiwas si baby sa may mga sakit, lagnat, sipon o ubo dahil mahina pa ang immune system niya.

7. Nararamdaman ni baby kapag stressed ka. Kung umiiyak si baby at ikaw ay na-sstress, humingi ng tulong sa asawa o kasambahay. Lumabas ka saglit ng kwarto, huminga, at mag relax. Pag okay ka na, ready ka na ulit alagaan si baby. Mas kalmado at mas maiinitindihan mo na ang pangangailangan ni baby.

8. Baby pa lang siya. Wala pa siyang alam gawin kundi dumede, matulog at mag poop. Literal na kailangan ka niya para mabuhay. Ikaw ang mundo niya.

9. Trust your Mother’s instict.

10. Kung may kakaibang nararamdaman si baby, tumawag at dalhin agad sa Pedia.

11. Breastfeed. Napaka-daming benefits ng breastfeeding para sayo at para kay baby. Complete ang nutrients ng breastmilk. Breastfeed as long as you and your baby can and want.

12. Kung hindi kaya mag pabreastfeed, people will still respect you. Hindi nakakabawas ng pagiging ina ang hindi pag breastfeed.

13. Mabilis lang ang panahon. Cherish every moment. Titigan mo siya, yakapin, kargahin, dahil minsan lang siya magiging ganyan kaliit.

14. No such thing as too much kissing, too much hugging, and too much love ❤️

Leave a Response