Lifestyle

EXPECTATIONS | Sayang daw ang pinagaralan ko

Sabi nila sa akin, sayang daw pinagaralan ko. Honor student pero napag-iwanan naman na sa buhay. Sayang naman daw pinang-paaral sakin ng mga magulang ko.

19 years old ako grumaduate sa college. 2 years ako nagtrabaho. Tapos nun, sinubukan naming mag negosyo ni Vlad.

Yung mga kaklase at ka edaran ko daw ay successful na. Ako, nasaan na daw?

7 years ago, pag nag da-date kami ni Vlad, manghihiram lang kami ng DVD para pang movie date namin. Tapos yung snack namin ay yung orange na dilis na ganito.

Hindi kami makanood ng sine kasi mahal hehe😅

Nung mga panahon na yun, madami kaming “SANA”

Sana magkaron kami ng extra budget pang sine.

Sana makakain kami sa eat all you can.

Sana may pang shopping kami.

Ang pamilya namin pareho ay okay naman, pero nakalakihan namin na pagkatapos namin grumaduate ng college ay tatayo na kami sa sarili naming mga paa.

Kaya talagang gumapang kami nun hehe.

Nakakatuwa na yung mga SANA namin nuon ay natupad na ngayon.

Mga natutunan namin sa buhay:
1. Mataas ang expectation ng society sa atin. Work on your own pace.

2. Sipag + pangarap + dasal = Dadating ang panahon mo para matupad ang mga pangarap mo. In His perfect time .

3. YUNG MGA SANA MO DATI, AY NATUPAD NA NGAYON. At ang mga SANA mo ngayon, ay matutupad din bukas.

4. Success isn’t measured by the cars you drive, houses that you have, luxuries that you own. Real happiness is SUCCESS.

Leave a Response