Mommy's Diary

Dapat nagkakaisa ang isang pamilya

Nung bata ako, isa sa mga pinaka-tumatak sa isip ko na sermon ng parish priest namin ay kailangan united ang isang pamilya.

Dapat iisa ang hangarin. Dapat may unity. Dapat nagkaka-isa.

Kaya ng magkapamilya ako, isa ito sa mga in-apply namin ni Vlad.

As parents, united din kami. We don’t play good cop, bad cop.

Hindi kami magkasalungat sa paraan ng pagdidisiplina, pagtuturo ng lessons sa loob at labas ng classroom, pag train, at pag hubog sa pagkatao ng aming
anak.

Pareho kaming naniniwala na sa laro mas natututo ang mga bata, at kami ang best teachers at favorite playmates ni Olivia. Kaya ito,kakatapos lang namin
maglaro sa labas.

Sa pagpapalaki kay Olivia, trusted ko talaga si Vlad at ang Wilkins Distilled water. Kayo po? Ano ang trusted kwento niyo ng partner niyo? 

#TrustedPartnerKo

Leave a Response