Ngayong holiday season, “uso” ang lagnat. Bakit? Ano ang dahilan at ano ang dapat gawin para maiwasan to?

-Ito ay dahil sa virus

-At dahil sa Christmas season, lahat ng lugar ay nagiging ma-tao, ito ang sanhi ng mabilis na pagkalat ng virus.

-Ang pagbago ng panahon, pag lamig ng temperatura ay maaring mag trigger ng allergies. At ang allergies na to ay maaring mag dulot ng ubo at sipon.

Ano ang dapat gawin para maiwasan ang sakit:

  1. Maghugas ng kamay
  2. Mag-alcohol
  3. Siguraduhing malinis ang bahay.
  4. Kumain ng masusustansyang pagkain, gulay at prutas.

Pag nilalagnat:

  1. Uminom ng madaming tubig
  2. Kumain/uminom ng rich in Vitamin C tulad ng orange, lemon, kalamansi.
  3. Punasan ang may lagnat ng tubig na galing sa gripo (wag mainit na tubig dahil lalong magi init ang katawan ng may lagnat). Punasan ang buong katawan lalo na ang heat points – kili kili, leeg, singit at noo.
  4. Kung breastfed na bata ang may lagnat, ipagpatuloy lang ang pag-bbreastfeed. Nalalaman ng katawan ng ina na may lagnat ang baby at mag pproduce ito ng anti-bodies sa breastmilk. Ang breast milk ay may essential nutrients at fluids na nakakatulong para gumaling ng mas mabilis ang bata at maiwasan ang dehydration.
  5. Kung ang breastfeeding mom ang may lagnat, ipagpatuloy pa din ang pagpapa-suso sa anak, magsuot lamang ng mask at maghugas ng kamay bago hawakan ang anak. Kailangan ipagpatuloy ang pag-papabreastfeed para maprotektahan ang anak sa virus at illnesses.

Leave a Response