Mommy's Diary

BAKIT IMPORTANTE NA SAGUTIN MO AGAD ANG ANAK MO

Anak: “Mama, ano po ito?”
Mama: *hindi sumagot at hindi din tumingin*

Anak: “Maaa, ano po to?”
Mama: *hindi sumagot at hindi din tumingin*

Anak: “Ma, ma, ma”
Mama: “Wait, anak”

Anak: *pasigaw* “MAAA!!! MAAAA!!!! ANO TO???”
Mama: “BAKIT KA SUMISIGAW?!!”

May mga panahon na hindi natin agad nasasagot o napapansin ang mga anak natin kapag kinakausap nila tayo.

Ilang beses nila sinusubukan na kuhanin ang atensyon natin, pero palaging fail.

Kaya sa sumunod nilang pag tawag sa atin, ay pasigaw na ang pakikipag-usap nila.

At duon nakukuha ang atensyon natin. Kapag pasigaw na silang nag salita, dun pa lang natin sila papansinin.

So, ang papasok sa isip ng mga bata, “kapag pala sumisigaw ako, dun lang ako papansinin ni nanay/tatay”

Kaya importante po, na sa unang tawag pa lang sa atin ng ating mga anak, ay pansinin natin sila agad. Tumingin sa kanila, at kausapin sila. Hindi yung basta maka tango lang, o makapag sabi ng “oo”, “hindi”, “wow” o “wait lang”.

Kapag nasanay po tayo na sa unang tawag palang nila ay pinansin na natin sila, mabubuo ang trust nila sa atin at magiging open ang communication natin sa isa’t isa.

Magiging kampante sila na kapag nag salita sila, eh makikinig tayo. Hindi sila matututong magtago ng sikreto sa atin. Magiging open sila sa feelings nila, sa mga nararanasan nila sa buhay, sa mga saloobin nila. No secrets, no lies 
At hanggang pag tanda nila ay madadala nila ito.

Leave a Response