Mommy's Diary

Atensyon | Nagmamakaawa na ba ang anak mo nito

Palagi namin sinasabi na wag masyadong mag babad sa gadgets dahil nababawasan ang oras natin sa pamilya natin.

Pero aminado ako, na minsan ay nabababad din ako dito dahil ang trabaho namin ay naka-rely sa gadgets – cellphone, camera at laptop.

Isang araw, nagulat na lang ako sa sinabi ng anak ko….

Nasa gilid ko siya, at hindi ako nakatingin sa kanya. Maya maya, nabigla ako sa sinabi niyang –
“Mommy, stop working…Look at me.”

Parang biglang may kumurot sa puso ko😔
Parang gusto kong umiyak, na-guilty ako na buong araw na pala akong busy at halos buong araw kong hindi nakalaro ang anak ko.
Sa sobrang busy ko, hindi ko namalayan na tinatawag na niya pala ako ng paulit ulit.

Sa pagkakataong ito, nagmamakaawa na siya para sa atensyon ko.

Nag promise kaming mag asawa na sa tuwing tatawagin kami ng anak namin, eh ibababa namin ang ginagawa namin para sa kanya.

Kaya kailangan ko paalalahanan ang sarili ko, maya’t maya at paulit ulit, na kailangan ay ang top priority ko ang anak ko. Makakapaghintay ang trabaho ko, ang Facebook, videos na pinapanood sa YouTube, pelikulang pinapanood sa Netflix, pero ang paglaki ng anak ko, HINDI

Leave a Response