Mommy's Diary

ANG UNA KONG NILAPITAN PAGKATAPOS MANGANAK NG MISIS KO – Daddy Diaries

Yan ang asawa ko pag katapos niya manganak. Ako yung naka itim na nagtutulak ng stretcher niya.

Siya ang una kong nilapitan pagkatapos niya manganak imbis na ang anak namin.

Bakit? Wala ba akong kwentang tatay dahil hindi ang anak namin ang una kong nilapitan o kinarga?

Madalas, pagkatapos manganak ng babae, ay hindi na siya napapansin dahil ang atensyon ng lahat ay nasa cute na new baby.
Habang si misis ay naiiwan mag isa sa isang sulok na hindi man lang pinansin ang mga pinagdaanan niya para mailabas ang sanggol na hawak natin. Ni wala man lang tap sa shoulder at sinabing “good job! Ang galing mo”
Tila ba prang normal lang ang ginawa niya at walang kahirap hirap. Hindi napansin ang hiram ni misis.

Pero mga mister, kailangan natin iparamdam sa mga asawa natin kung gaano natin sila kamahal, kung gaano natin nakita ang sakripisyo nila na sa siyam na buwan na pagbubuntis, ilang oras na labor, at napakahirap na delivery sa ating mga anak.

Gusto kong malaman ng asawa ko na alam ko ang paghihirap niya.
Gusto kong malaman ng asawa ko na na-aappreciate namin lahat ng pagod at hirap niya para mailuwal ang anak namin.
Gusto kong malaman niya na nandito ako para sa kanya.
Gusto kong malaman niya na aalalayan ko siya.
Gusto kong malaman niya na mahal ko siya katulad ng pagmamahal ko sa anak namin.

Hindi madaling mag buntis, hindi madaling manganak, hindi madaling magalaga ng sanggol habang may tahi ka pa sa katawan at nag rerecover sa panganganak.

Salamat sa asawa ko sa lahat ng ginawa at ginagawa niya para sa anak at pamilya namin.

Salamat sa lahat ng mga babaeng sinusubukan mag dalang tao, nag dalang tao, nag dadalang tao, may angel baby, sa lahat ng nanganganak ngayon, sa lahat ng kakapanganak pa lang, sa lahat ng nag aalaga ng newborn baby, sa lahat ng nanay, salamat! Saludo kami sa inyo ☺️

Leave a Response