Mommy's Diary

20 Parenting Tips for Moms of Toddlers (Filipino version)

 

  1. Wag magbibitaw ng pangako sa kanila kung hindi natin kayang tuparin. Halimbawa, “Bibilhan kita ng toys pag kumain ka ng madami”. Masisira ang tiwala nila satin at hindi ito maganda para sa kanila at para sa relationship natin sa kanila.

 

  1. Kailangan ng mahabang pasensya. Ang toddlers natin ay tiny humans with big emotions. Kung tayo ngang matatanda, ay may oras na hindi natin kayang i-handle ang emotions natin, paano pa kaya sila.

 

  1. Kapag nadapa, nauntog o nasaktan sila, wag silang papagalitan dahil baka dumating ang oras na hindi na sila magsasabi satin na nasaktan sila. Instead, yakapin sila at alalayan hanggang sa mawala ang sakit.

 

  1. Wag mag aaway o magsisigawan sa harap nila.

 

  1. Marunong na sila magdamdam. Kaya mag ingat sa mga sasabihin o ipaparamdam sa kanila

 

  1. Kapag nagkamali sila, i-assure sila na okay lang yun, at i-encourage sila na subukan ulit. Halimbawa, bumubuo sila ng puzzles at na-frustrate sila dahil hindi nila ito magawa ng maayos. Makakatulong din na yakapin sila para mawala ang frustration, then, assure and encourage them to do it again.

 

  1. Hayaan na maglaro at mag explore sila (seeing that the environment is safe for them).

 

  1. Pag may nagawa silang maganda, acknowledge them. Purihin sila. They deserve it.

 

  1. Pag humingi sila ng tulong sa atin dahil hindi nila kayang gawin ang isang bagay, huwag sasabihin na “Yan lang? Di mo kayang gawin?” O “Madali lang yan!”. Instead, turuan sila kung pano ito ginagawa, at ipa-try muli sa kanila kung kaya na nilang gawin.

 

  1. Hayaan na “tumulong” sa gawaing bahay. Maaring nakakadagdag lang sila sa trabaho, pero magandang exercise ito sa kanila para matuto ng sense of responsibility.

 

  1. Kung nag-ta-tantrums sila o nagwawala, kausapin sila in a soft voice. Mas makikinig sila kesa pagtataasan sila ng boses. Mas madadagdagan lang ang frustration at negative emotions nila.

 

  1. Hayaan na kumilos sila sa oras nila o sa pace nila. Kung mabagal sila maglakad, sabayan sila. Kung mabagal magsuot ng sapatos, hintayin sila.

 

  1. Iparamdam sa kanila na may authority sila sa pagpili ng ibang bagay -gaya ng pagpili ng damit o sapatos na susuotin nila.

 

  1. Wag sila papagalitan sa harap ng ibang tao kahit sa harap ng mga kaibigan, kapatid o pinsan nila. Ma-aapektuhan ang confidence nila. Instead, dalhin sila sa lugar o kwarto na kayong dalawa lang ang tao.

 

  1. Kung kakausapin sila, bumaba sa eye level nila, at i-establish ang eye contact.

 

  1. Kung magsasabi ng “No” o hi-hindi sa isang bagay, i-explain kung bakit para maintindihan nila. Halimbawa “Hindi muna tayo bibili ng toys ngayon dahil wala sa budget natin to, next time na lang.”

 

  1. Be consistent sa “rules”. Kapag sinabi niyo na no sweets o candy for that day, be consistent. Wag magpapadala sa iyak o tantrums. Dahil if you give in, ang papasok lang sa isip nila ay iiyak at magta-tantrums na lang sila sa susunod na may gusto silang makuha.

 

  1. Turuan sila na maging independent. Simulan sa mga simpleng bagay gaya ng pag brush ng teeth, pag bihis o pag suot ng sapatos on their own.

 

  1. Kapag nakipaglaro sila satin, makipaglaro. Iparamdam na priority at na mahal natin sila.

 

  1. Kapag nagpakwento ng bedtime stories, kwentuhan sila. Pag laki nila, ma-mi-miss mo ang panahon na nagpapakwento siya sayo.

 

 

Leave a Response